Dear Zai,
Wednesday, May 30, 2012 ? 0 Watchasay? ?
You're off to College! Yay :) give yourself a shoulder pat for going after what you want and taking risks.
I hope you're realizing that this is real, this is the big thing. When you start to pack your things off to college, you're on your own. This is where you begin to shape your future and become who you've always wanted to be. I know you have big dreams, now is your chance to go after them.
Please! Wag ka ng tamarin =))) Please don't lose motivation to do the things you do. Don't lose motivation to do things you know you're good at. Just don't give up when you start feeling like a lazy-ass person you are. Please just go on, be consistent. Please! and even if you do feel down, have something to believe in. Have something to make you keep going.
I know it's going to be tough. College is fun they say, but I know you'll be expecting a lot of bumps ahead too. And when you do, re-read this letter. Keep this is your wallet or your inbox or wherever. Okay?
Here, I've made a list of things you should always keep in mind. I know you to be easily distracted and you always change your mind.
1. Don't rush things - You can't be best at something at first try. Alam ko na gusto mo ganun, gusto mo magaling ka kaagad sa isang bagay. Nawawalan ka ng pagasa kapag nakikita mong mahirap sa simula. Don't rush okay? Don't stop trying at your first error. Lunukin mo muna lahat ng insecurities mo at walang kwenta mong pride =)) Iwasan mong panghinaan ng loob. Ganun talaga di ba? It's always hard in the beginning. Lahat naman, pero kapag okay na magagawa mo na rin yan ng tama.
2. Embrace failures - Alam ko na hindi ka sanay magkamali. Hindi ka sanay na hindi ikaw ang tama. College would be different. Alam mo naman yun, maraming tao na ang nagsabi sayo. It would be full of different people and diversed opinions. Don't lose yourself among the crowd. You're going to be wrong a lot of times. You'll fail! It would hurt, like the first time you failed your Physics exam. Try to accept it. Move on and improve yourself. You know that Failure is just a part of life, ACCEPT IT AND LIVE WITH IT. Please, I hope you're tough enough to get up when you fail. Don't disappoint me. Don't disappoint yourself
3. Prioritize - habang sinusulat mo to, alam kong malinaw sa'yo ang mga priorities mo. Ang mga gusto mong maabot. Ang gusto mong maging kinabukasan. Pero naninigurado lang ako, there's gonna be a lot of things that may and will change you. Okay lang. Pero wag mong kakalimutan ang goal mo. Baka kasi mawala sa isip mo to. Ikaw pa naman, madaling ma temp ;D Basta ang priority mo is GOD, FAMILY, SCHOOL. Bahala ka na sa mga susunod. Okay?
4. STUDY HARD - Gets mo na yan =))) Kahit maraming tukso sa kolehiyo, sige okay lang na patulan mo (pero wag lahat. Hahaha). Basta wag mo kakalimutan na pagkatapos ng gala at happy trips, may pagaaral kang dapat gawin. Okay? Please! sana wag matigas ang ulo. Sundin mo to! =)) Sorry kung sinasabi ko sa'yo to, alam ko kasi na nalulula ka pa rin sa dami ng magbabago sa college. Tandaan mo na gagraduate ka with flying colors! Gaano man kahirap makarating dun. Love your course, keep in mind what you learn. At wasan mo nang isumpa kung gaano kahirap ang pagaaral =))) Love UP.
5. Be consistent - HOY ZAI! wag kang ningas kugon ah =))) kung ano nasimulan mo, sipagan mo ng imaintain. Alam ko na alam mo na sa lahat ng bagay, sa Maintenance ka mahina. Lagi kasing ang nangyayare sayo, nawawalan ka ng gana. nawawalan ka ng motivation ibigay ang best mo sa lahat ng ginagawa mo. Please, this time don't lose it. If you do, do something to have it again.
6. Enjoy your Freedom - Malaya ka na! Haha. Alam ko na independent ka na rin naman sa sarili mo. Pero mas bongga ngayon, aalis ka na sa bahay niyo, magkakaron ka ng bagong environment, ikaw na ang hahawak ng sarili mong pera. (YAY!) Alam ko na matagal mo ng gusto gumawa ng napakaraming bagay, magsimula ng mga bagay ng hindi nagdadalawang isip dahil kailangan mo pa ng approval ng magulang mo. Enjoy your freedom because finally, you can do what you want and you already have the chance and resources to do them. Simulan mo ng ilista ang mga bagay na pagiipunan mo =))) Take advantage of this freedom for you to improve yourself, not destroy. Stay responsible.
7. Know your limitations - That's what your mom always tells you. Sundin mo siya, kahit minsan nakakainis siya. Nanay mo yun at kailangan mo siyang sundin. You're lucky to have a mom who lets you do things because she trusts you. I know you're never ever done something to defy her. And I hope you keep a clean slate till you graduate. Okay lang na magenjoy ka at gawin lahat ng gusto mo. Make mistakes! Make a lot of them. Pero siguraduhin mo na hindi nun maapektuhan ang pagaaral mo o ang kinabukasan mo. Siguraduhin mo rin na kaya mong panindigan ang kasalanan mo. Basta, know your limitations.
8. Stay grounded - Don't ever ever ever ever lose yourself. You're gonna meet a lot of people. Hear a lot opinions. Experience a lot of things. These may change you, but always remember who you are. Keep yourself in tact. WAG LALAKI ANG ULO MO! PLEASE! =)))) or WAG KANG MAGPAPADALA SA MALALAKI ANG ULO! =))) Just please, I like who you are now, if something's gonna change you in college, make sure it's for the better you.
9. Love Yourself - Bago ka magkandarapa sa mga gwapong lalake na makikilala at makikita mo sa college. Mahal mo muna sarili mo ha =)) Feeling ko kasi you don't love yourself enough. Kulang ka pa sa tiwala sa sarili mo. Sana sa college maniwala ka sa mga kakayahan mo at iwasan mong mainsecure sa mga tao at bagay sa paligid mo :)
10. Keep all these in mind :)
P.S.
Don't forget home - wag kang masyadong matuwa sa kalayaan mo, umuwi ka pa rin regularly ha! =))))))))
Love,
Your Sixteen Year Old Self .
Labels: 12, 31, College, May, Personal, UPLB