Living a Dream ♥

Pre College Orientation
Tuesday, May 8, 2012 ? 0 Watchasay? ?
Kanina habang nagoorientation, syempre pumasok na naman sa isip ko ang "Oh my god, I am so gonna blog this" tapos ngayon, tinatamad na ako isipin ang mga iniisip ko kanina. Haha.

Ibubullets ko na lang ang mga nangyare ;D
  • Arrived there 30 minutes earlier so we had to wait. Namamangha lang talaga ako sa mga tao. Hahaha. So different. May mukang artista, may mukang okay lang. At may mukang... pwede na ;D
  • Pagpasok na pagpasok sa hall. Ang chorva nung speaker. Feeling close c agad? Hahaha. Mejo awkward ang feeling ko kasi total loner talaga. Wala akong kakilala eh. So I greeted my seatmate. Loner din siya, taga Bicol. Grabe ang layo. 13 hours ang byahe, land and water ;D
  • Nagsimula na. Ang pangunahing activity is to know 10 people. Their course and kung taga saan sila. Grabe. Mejo nakakahiya pa saka awkward. Hehe. tapos grabe! Ang lalayo nila, as in from different parts of Luzon. May galing Bataan, Bicol, Zambales, Baguio, Isabela, Ilocus Sur pati nga Cordillera eh. Grabe. Nahiya naman ako kasi from Cabuyao lang tapos magdodorm na ko ;D
  • Get to know each other chuchu. Ang sayaaaaa. After nun nagtawag si Kuya Speaker ng tatayo at ituturo lahat ng nakilala niya :D
  • Pagkatapos ng getting to know, naglaro ng "Bahay, Baboy, Bagyo" Parang open the Basket. Pag bahay, magpapalit ng basket, pag baboy yung tao sa loob ang papalitan and pag bagyo naman magrurumble lang ang bahay at baboy :D
  • They grouped us into seven. Tapos parang nagkaroon ng open forum each group. Nag introduce yourself tapos yung dalawang face nag intoduce samin ng Do's and Don'ts inside the campus and the classroom. Tapos nagkwento din sila kung gaano kasarap at kahirap sa UPLB. Total Freedom daw talaga. Kahit ano gusto mong trip walang pakealaman. May teacher daw na pumapasok ng nakabikini top, may students daw na pumapasok ng nakainom. Keribels lang. Pero depende din daw sa Prof ang rules. Wag daw umabsent ng first day para malaman na lahat :D Mahirap umabsent, pahirapan sa pagkuha ng excuse slip. Hay, kala ko pwede na =))
  • Bumalik na ulit kami sa function Hall. Naglaro kami ng ibang version ng bato bato picks per group. Hahaha, ang tawag naman "Archer, Rabit, Wall" Talo ng Archer ang Rabit, talo ng Rabit ang wall at talo naman ng wall ang rabbit :D
  • After ng game, balik speaker na ulit pero ibang speaker na. Ngayon naman diniscuss niya ang Advantages ng UPLB at ng Student Affairs. Mga eklavu sa mga ORG, bawal mag Org ang Freshie :D Tapos yung mga University Fees. Mga programs. Mga dorms. Saka yung Student Council and Student Online System. Amazing, ang gagaling nila mag speak. Mga aktibista talaga. Haha
  • After ng Speak, nagpakilala silang mga volunteers isa isa. Ang kukulit lang. Lahat sila may "say" yung talagang Ma-ere ang dating. Typical UP. May nagtanong, "Bakit the Best ang UP?" ang sagot nung gay "Dahil nandito tayo. Nandito kayo at nandito ako" oha, pang miss gay :D Ang dami niya sinabi, halos lahat sila kahit iba iba ang course binibida ang kanya kanyang course. Mahalin mo daw ang course mo dahil syempre, yun ang the best. Grabe lang talaga. nakakapressure na nakakaamaze ang confidence nila. Mahihiya ka mahiya =))
Kaya siguro mejo maeere ang people and confident and sinasabi ng iba na mayabang, dahil may K naman talaga sila. Haha, sabi nga nung bakla. Hindi pagyayabang ang pagsasabi ng totoo :"3. Talagang dun pa lang ipapafeel nila sayo na you should feel you are the best because you truly are. Parang bawal ang insecure. Dapat sabihin mo na sa sarili mo na "Talagang magaling ako" Grabe. Nakaka pressure, pero at the same time naeexcite ako :D

Labels: , , , , ,



Love, Zaira ♥




Older Post . Newer Post


// Forever Young-One Direction