Teenage Whatabouts.
Monday, May 7, 2012 ? 0 Watchasay? ?
I just got home from my classmate's Birthday. Again, HAPPY BIRTHDAY KYANG! Christian Fred Erispe.
Actually pagod na ako at masakit ang puson ko. Haha, pero gusto ko mag-blog. Kasi baka tamaan na naman ako ng katam kapag may pasok na at araw araw akong pagod.
So si Crystel ang kasabay ko pumunta, tapos dun kami sa 7-11 naghintay ng mga kaklase dahil hindi namin alam ang exact address ni Kyang. Habang naghihintay pa sa iba, pinagusapan namin College life. Ano course ni ganito at kung may schedule na ba siya. Saka kung saan magaaral.
Nung kumpleto na kami, umalis na kami sa 7-11. Tapos habang naghihintay kami ng Jeep, may kumalabit sa`kin. Si Micah Quinay, classmate ko nung elem. Nagulat ako kasi akala ko sa ibang place na sila nakatira, dito pa rin pala sa`min. So usap saglit, tinanong ko kung san siya nag HS kasi ang tagal ko na siyang di nakita. Tapos biglang sabi niya *ang cute mo*. Mejo naspeechless ako. Haha, nagthank you ako tapos sakay na ng jeep. :)) Natuwa lang ako. Haha. GV eh.
Pagbaba namin ng jeep naglakad na kami papunta sa bahay nila Kyang, tapos biglang may tumalon sa harap namin ni Joanne =))) siya kasi kasilong ko sa payong. Hahahaha. *tumalon kasi may railing, so parang talon bakod ginawa nung mama* Laughtrip, poker face na lang kami kasi masyadong papansin si Kuya, tapos sinusundan pa kami. Parang ewan lang. Mejo nagfe-freak out pa si Jo pag nakikita niya, haha. tawa pa din ako, di naman siya makakaano eh. lol. Tawa pa rin ako ng tawa habang nasa daan kasi talagang hindi ako makagetover. Ang init init pa. =)))
Sobrang saya ng birthday kasi nagkasama sama kami ulit. Kwentuhan at kulitan. Iba talaga ang HS friends eh. Nagusap rin kami ng mga takot at excitements namin about college. Mejo nakakalungkot nga kasi wala akong kasama sa school ko :\
Nagusap din kami tungkol sa lovelife. Kasi yung si Jam may bagong boyfriend, edi tinanong namin kung pogi, ayos lang daw. tanong ko mas pogi sa ex mo? Oo daw, ang panget naman daw nun eh. Hahaha. Sabi ko, ganon talaga kapag ex na. Panget =)) Pero kapag boyfriend mo pa di mo masasabi yan. Pag tinanong ka "Gwapo?" "Mahal ko yun!" ang sagot. Hahaha. Saka Sex life, hahahaha. Pero hindi pa kami handang lumevel up sa mga ganung bagay, biruang usapan lang. Mga in case in case at green jokes. Kasi si Cas na boyfriend ni Ann sa manila magaaral, eh dun nga maraming tukso. Haaay. marami kaming kinatatakutan sa college. Saka yung mga ganitong bagay napaguusapan na namin kasi nga, normal na din talaga. Mas maiging napaguusapan kesa hindi alam ang gagawin :D
Pagkatapos ng PBB, wala na kami magawa kanila Kyang, kaya gumala kami sa subdv. Pumunta kami sa playground tapos nakita namin yung mga naglalaro. Eh gusto ko magswing. Hahaha, ayun, naisipan namin pumunta kay Baja na taga Gran Seville. Ang ganda kasi ng playground dun.
Mahabang lakaran, grabe nga eh. nakakapagod pero masaya kasi naguusap at nagbibiruan habang naglalakad.
Nung nakapagswing na ako, ang saraaaaaap. Weeeeeeeeeeee! Parang bata lang. sa tagal ko ba namang hindi nakapagswing. Hindi ko na nga maalala yung last time. Tapos ayun picture picture. Sa susunod ko na lang ipopost mga pics dito. hehehe
Tapos nun sumunod si Jam at yung new boyf niya. Ayun, maya maya umuwi na din kami ;D
Ang saya ng araw na to, nasabihan ako ng cute at di ko talaga malilimutan yung papansin na ewan. Hahaha
Labels: 12, 7, daily, May, Personal