Living a Dream ♥

A friend and a Special Friend
Saturday, July 3, 2010 ? 0 Watchasay? ?
I just feel like sharing what I feel. Dahil madaling araw na naman at wala akong gaanong ginagawa. Hell week is over and elections too so yeah, I have time to waste again.

Wala lang, para kasing namimimiss ko na naman siya you know who dahil gaano man ako kasaya sa mga kaibigan ko ngayon, gaano man nagevolve ang pagsasamahan namin, iba pa rin kapag may special someone ka.

Hindi naman ako basta basta pwedeng pumasok sa isang relasyon dahil gusto ko lang. Iba kasi kapag iba yung nararamdaman mo sa tao, ewan ko, parang gusto ko ng bestfriend/boyfriend figure.

Kahapon kasi, Friday, in the middle of nowhere bigla akong nasenti. Kasi election, at di ko man aminin kinakabahan ako lalo na sa magiging feedback manalo man o matalo na okay lang sa`kin kahit ano. Alam mo yun, wala kasi yung close friends ko, eh syempre hindi naman pwedeng lagi akong may constant kausap. Bigla kong naisip na iba pa rin talaga kapag may someone special ka kahit marami kang close friends o barkada. Iba pa rin yung sense of security na alam mong hinding hindi ka ma i-isolate sa isang tabi kasi may reserve ka na.

Iba pa rin pag special o nagiisa yung mahal mo. Yung walang katulad. Yung boyfriend na bestfriend na close friend. Yun yung hanap ko, ayoko sa basta basta na lang para may matawag na boyfriend. Gusto ko yung ganun, hindi man pang level up, alam mong may isang taong hinding hindi ka iiwan dahil mahal ka. Okay lang na magaway kami o tampuhan, basta nanjan pa rin siya.

Ang senti ko. Basta. Narealize ko lang na iba talaga.

Gusto ko lang i-blog to, kinakabahan kasi ako sa results although either way is fine with me. Sabi nga namin ni Angel parang ayaw namin manalo, kasi nabasa niyo naman last year kung gaano ka stressful saka sa ngayon ang hirap lumiban sa klase lalo na sa Math. Pamatay. Saka ayun, nagpaparamdam na naman siya, tapos ang dami kong crush, pero hangang dun lang yun. Iba pa rin talaga siya, kahit LDR kami. IBANG IBA >.<>

Kinakabahan ako sa results. Kasi pag natalo ayoko ng loser figure, ayoko ng kaaawaan. Pero masaya ako sa nakikita kong suporta ng mga schoolmates at teachers kahit di maiiwasan yung mga walang modo at bastos na studyante masaya pa rin ako sa obvious na kami yung gustong manalo :) Pero pag talo okay lang, siguro 1 week lang yung init ng issue, after nun back to normal na. Mag fofocus na lang ako sa classroom at sa mga kaibigan ko ngayon :) Pag naman nanalo, mas mahirap. Mas matagal na isipan at stress at sa bandang huli sa`min pa ang sisi. Either way would be okay :)

Ang labo. Basta sa mga nanliligaw ngayon wala, after ng bolahan wala na, sandaling kilig lang. Kaya parang ayaw ko. Wala. Wala talaga :( hay.

Labels: , , , ,



Love, Zaira ♥




Older Post . Newer Post


// Forever Young-One Direction